Archive for February 9th, 2008

MULING PAGKIKITA

Saturday, February 9th, 2008

Actually, bukas pa talaga birthday ni Carol pero ngayon na siya nag-celebrate.
Sinundo ako ni Wena, medyo nag-antay siya kase hindi pa ako tapos mag-make-up. May dala pala siyang kotse. Kasama niya ang dalawang  anak niya, isa doon ang inaanak ko sa binyag na si Gerri Wynn at iyong isa pa niyang anak si Sienna Mae na sobrang daldal.

Mga nasa 15 minutes lang ang biyahe. Nakarating kami agad doon sa computer shop na walang laman (sa March pa ang opening), doon si Carol nag-celebrate ng birthday niya.

After 2 minutes, dumating naman si Miriam, Leah at ang asawa niya Taiwanese na hindi ko kilala ang pangalan, basta F4 tawag ko sa kanya.

Apat na lang kami natitirang walang asawa sa batch namin. Si Carol may asawa’t anak na, ganoon din si Wena. Si Leah may anak na rin, si Jane buntis na rin, basta lahat sila masaya na *daw* ***TAWA*  Ako kailan kaya? Hindi pa siguro handa ang aking murang kaisipan sa mga bagay na iyan. Ako’y masyado pang hilaw para sa mga bagay na iyon. *HALAKHAK NA TAWA* Kailan kaya darating ang irog ko? Ako’y sabik na sa pagdating niya.

Maiba naman tayo……

Madaming handa, napalaban aki sa kainan, paborito ko lahat, may pansit, may kanin, may litson, at may pulang juice.

Ang pinaka the best sa lahat, may videoke! Grabe ang saya ko! Ang dami ko nakanta! Palibhasa bawal sa aming tahanan ang maingay may mga mongha na nakatita doon.

Sa totoo lang ako kang ay may lakas ng loob kumanta doo, mahiyain silang lahat! Partida, hindi pa ako naka-inom sa mga oras na iyon.

Eto mga nakanta ko… Eto lang mga naalala ko…. Kasi may tama na ako. Naka tatlong bote ako ng sanmig light.

Stop, Especially for you, Bring Me to Life, Don’t Speak, Better Days, Get Me, Don’t Say Goodbye(medyo nakaka-relate ako), Blue Bayou… at marami pa.

Nag-paplano nga kami na magpunta ng comedy bar or KTV next week. Sana may pera ako sa araw na iyon at walang lkad si Inay para makapagliwaliw naman ako.

O, siya… hanggang dito na lang, dinadalaw na ako ng antok…

Sana pag-gising ko, hawak ko na ang CD na ANG LAKAD na  ibibigay ng mahal kong kaibigan na sina Laarni at Juana. Walang kamatayang HANSON na naman sa bahay!

Paduduguin ko na naman mga taenga nila! Bahala sila. basta papatugtugin ko iyon buong mag-hapon! Ganoon ko ka gusto ang magkakapatid na sila Isaac, Taylor at Zacharias! Ang mga lalakeng nag-papadaloy ng dugo ko at nagpapatibok ng puso ko.

Laarni at Juana….. maraming salamat talaga! mahal ko kayo!

Hanggang dito na lang mga kaibigan…

Paalam na sa mga tagasubaybay ng pang-araw araw na kuwento ng buhay ko..

Happy Birthday!

Saturday, February 9th, 2008

Happy 60th Birthday Daddy!

Mahal na mahal kita!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Sing me a song again, Daddy
Sing me a happy verse.
Teach me those clever lines you sang
As you carried me on your shoulders.
Sing me that hymn that you so loudly
Sang in church with mom.
Sing it again to me and fill me
With all your words of wisdom.

Comforting words of love when I
Would get home from school in tears.
Somehow your songs have stayed within me
Down through all the years.
Once when my younger heart was broken
Your shoulder was there to cry on.
Sing me those songs I know will linger
Long after you have gone.

I am standing at the threshold
Of a chapter in my life
I am asking for your blessing
As I’m about to be the wife
Of a man I know who loves me
And I’m proud to be his bride.
Dad the time has come for me to leave your side.

So, sing me a song again, Daddy.
Sing me a lullaby.
Wrap me inside your arms, Daddy,
‘Though this is not goodbye.
Your songs will live forever
In my heart. When times get rough
The ones I’ll most remember
Are your songs of love.

Your songs will live forever
In my heart. When times get rough

The ones I’ll most remember
Are your songs of love

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~